Sikat na actor parokyano ng pirated DVDs
Nitz Miralles
Nakita ng isang reporter ang isang sikat na actor na bumibili ng pirated DVDs na inilalako sa Tomas Morato, Quezon City.
Disappointed ang reporter sa actor dahil 'pag guest sa TV tuwing may pelikulang ipalalabas, laging nagpapaalala sa viewers na 'wag bumili ng pirated, pero hayun siya at sa maraming tao pa bumibili ng ipinagbabawal.
Kahit sabihin pang foreign movies ang pirated copies na binili ng actor, hindi pa rin magandang tingnan na makita siyang nagpa-patronize noon.
Sana pumasok siya sa kanyang sasakyan o kaya'y sa naglipanang coffee shops at du'n namili at bumili.
* * *
PAGKATAPOS ng Zaido at bago ang Marimar ang time slot ng Kamandag at panghuli ang La Vendetta.
Kahit sinasabing sure hit ito, ninenerbyos pa rin si Richard Gutierrez dahil hindi alam kung magugustuhan ng tao ang bago niyang serye.
Basta, pinaghihirapan nilang lahat na mapaganda ang serye at mapapanood na nakikipaglaro sa mga ahas si Richard.
Mabuti't 'di siya takot sa ahas dahil may mga eksenang 10 ahas ang kasama niya at ang dalawa'y gumagapang sa loob ng kanyang T-shirt.
First time makatrabaho ni Richard sina Jewel Mische at Maxene Magalona, how is it working with them?
"Kaya love ko ang trabaho kong ito't I get to work with different talents. How I wish walang network war para mas marami pang new talents akong makasama. Okey sina Jewel at Maxene, masaya silang katrabaho. "
Tinanong pala namin si Direk Mark Reyes kung ang Kamandag ang bagong Encantadia?
"I'd like to think so, since same energy at nagkaiba lang sa challenge. We're working with the Encantadia team at kung hindi sa kanila, hindi namin ito magagawa ni Topel (Lee, the other director). Ibinabalita ko palang may DVD na ang Enca, 'di pa lang nare-release. "
Source: People's Tonight
No comments:
Post a Comment